Paki sagot nalang po Grade-V po yan

Posted on


Paki sagot nalang po Grade-V po yan​

1.  Ang Espanya o Spain. Noong ika-27 ng Abril taong 1565 ay unang  

itinatag ang pamayanang Espanyol sa pulo ng Cebu at sunod ay sa Kamaynilaan.

2. Las Islas Filipinas o “Filipinas” (na ang ibig sabihin ay Ang Kapuluan ng Pilipinas) ang ibinigay na pangalan ni Ruy López de Villalobos sa ating arkipelago.

3. Ang unang misa sa Pilipinas ay nangyari noong araw ng Linggo ng Pagkabuhay, ika-31 ng Marso taong 1521 sa isang pulo na tinatawag na Mazaua, sa lokasyon na malawakang tinatawag sa ngayon bilang Limasawa. Mazaua o Limawasa ang mga pulo sa Pilipinas na pinaniniwalaang ginanap ang unang misa.

4. Cebu o sa Cebu ang unang pamayanang Espanyol na itinatag sa bansa ni Miguel Lopez de Legazpi. Pinangalanang “San Miguel” noong una ang pamayanan na ito pero pinalitan daw ito ng “Lungsod ng Pinakabanal na Pangalan ni Jesus”.

5.  Kolonya ang sagot. Ito talaga ang pinaka teknikal na tawag o katawagan sa isang pook, teritoryo o soberanyang direktang kinokontrol o pinapamahalaan na siya ring nililinang ng isang mas makapangyarihang bansa.  

6.  Lapu-lapu ang pinakamalapit na sagot sa sa tanong na ito. Ang Labanan sa Mactan ay naganap noong ika-27 ng Abril taong 1521 at natalo ni Datu Lapu-lapu at ng kanyang hukbo ang mga dalang kawal na Kastila ni Fernando Magallanes.  

7. Miguel Lopez de Legazpi ang pinakamalapit na sagot dito. Siya ang tinutukoy na pinuno ng mga kolonyalistang Espanyol o Kastila na nakasakop sa Cebu at sa Maynila.  

8. Si Rajah Humabon ang katutubong pinuno sa Cebu noon na tumanggap ng relihiyong dala ng mga Kastila, ang Kristiyanismo noong taong 1521. Kasama ang kanyang asawa, si Rajah ay nagpabasbas bilang mga Kristiyano kay Magellan.  

9.  Ferdinand Magellan o Fernando de Magallanes ang unang eksplorador mula sa Europeo na nakatawid ng Karagatang Pasipiko. Siya ang tinatayang namuno ng unang ekspedisyon para sa sirkumnabegasyon ng daigdig, ito ang nagpatunay na bilog ang daigdig.  

10. Santo Niño ang imahe na iyon. Nang nakumbinsi ni Magellan si Rajah  ay binigyan ng Kastilang eksplorador ng Kristiyanong pangalan si Rajah Humabon at tinawag niyang Carlos. Sabay dito ay niregaluhan ni Magellan si Rajah at ang asawa ng imahe ng Sto. Niño.


Leave a Reply

Your email address will not be published.