Answer:
Kilala rin bilang Simbahan ng San Agustin, ang Simbahang Paoay ay matatagpuan sa Bayan ng Paoay, Ilocos Norte. Isa ito sa apat na simbahang baroque ng Filipinas na napabilang sa talaan ng Pamanang Pandaigdig ng UNESCO noong 1993 dahil sa “pambihirang estilong pang-arkitektura na halimbawa ng pag-aangkop ng Europeong Baroque sa Filipinas ng mga artesanong Intsik at Filipino.
Explanation: